Identical Twins sa USA, naitala bilang pinaka-pambihirang uri ng Discordant Twinning

PAMBIHIRA ang kambal sa Tombal, Texas, USA na sina Sienna at Sierra Bernal dahil kahit na sila ay isang  identical twins, sila ay magkaiba, at malayong malayo sa itsura ng isat-isa, tinatawag na discordant twinning ang kaso ng nasabing kambal kung saan naitala ito bilang pinaka-pambihirang form na types ng twins sa mundo.

Ayon sa mga dalubhasa, ang ganitong klase na kaso ng kambal ay patungkol sa growth discordance o pagkaka-iba ng size o timbang ng dalawang fetuses habang ito ay pinagbubuntis pa lamang.

Sa kaso ng nasabing kambal si Sienna ang nahuli ng mahigit anim na linggo ang development mula sa kanyang kapatid na si Sierra kung saan nakumpirma na si Sienna ay mayroong tinatawag na Primodial Dwarfisim na tumitimbang lamang ng 50 lbs o 22.2 kg at may taas lamang na 4 feet, 4 inches habang ang kanyang kambal na si Sierra ay tumitimbang naman  ng 98 lbs o 44.4 kg sa taas na 5 feet at 7 inches o 5.7.

Samantala, ibinahagi naman ni Joey Bernal stepfather ng nasabing kambal na hindi nila itinuturing na iba ang isa’t-isa ayon pa nga dito ang kondisiyon ni Sienna ang mas nagpalakas pa ng pagsasama ng dalawang magkapatid.

Nabanggit naman ni Sienna na sa kanyang kapatid na si Sierra siya kumukuha ng lakas at suporta kaya sa kabila ng kanyang kakaibang kondisyon nanatili parin siyang matibay sa tulong narin ng ibinibigay na pagmamahal ng kanyang pamilya.

Dagdag pa ng mga magulang ng kambal na si Chrissy at Joel Bernal na masayang masaya silang makitang nagmamahalan ang kanilang kambal sa kabila ng kanilang pagkaka-iba.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *