Ilang isolation facility sa Angeles city, bakante na

Bakante na at wala ng mga pasyenteng binbantayan sa ilang isolation facility sa Angeles City, partikular sa City College of Angeles.

Ito ay kasabay ng mabilis na pagbaba ng Covid-19 cases sa lungsod.

Ayon sa city government, karamihan umano sa mga Person Under Investigation na binabantayan sa nasabing isolation facility ay gumaling at nag negatibo na sa swab testing.

Sa loob din umano ng halos dalawang taon mula nang magsimula ang pandemya, ngayon lang nabakante ang naturang isolation facility.

Isa umanong dahilan sa mabilis na pagbaba ng kaso ng Covid-19 sa lungsod ang mabilis na pag roll-out ng Covid-19 vaccine.

Sa ngayon, aabot na sa 207, 480 ang fully vaccinated sa Angeles city, habang 270, 742 naman ang naturukan ng unang dose ng nasabing bakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *