National

Ilang senador, binatikos ang huling pahayag ng China kaugnay sa WPS

Binatikos ng dalawang senador mula sa oposisyon ang huling pahayag ng China kaugnay sa West Philippine Sea kung saan ay hinimok nito ang mga otoridad ng Pilipinas na tumigil na sa mga maritime exercises nito sa rehiyon.

Sinabi ni Senator Francis Pangilinan na malaya ang Pilipinas na magsagawa ng mga aktibidad sa WPS.

Binigyang diin ng senador na walang business ang China para sabihan ang Pilipinas kung alin mga aktibidad ang pwede o hindi pwedeng gawin sa sarili nating exclusive economic zone.

Samantala, sinabi naman ng nakakulong na si Senator Leila de Lima na dapat ay lumayas ang China mula sa WPS dahil sila ang nambubully sa mga Pilipino at lumalabag sa soberanya ng Pilipinas.

Kasunod nito ay tinawag ng senadora si Pangulong Rodrigo Duterte bilang “duwag” at “pro-China” dahil sa mga huli nitong pahayag tungkol sa isyu sa West Philippine Sea.

Binigyang diin ni de Lima na ang Pangulo ang walang ginawa at nagpakaduwag sa nakalipas na limang taon, ngunit anya, ay nagawa pa rin nito na isisi sa nakaraang administrasyon ang pag-agaw ng China sa ating teritoryo.

Matatandaan na sinabi ng Pangulo na dapat ay sina dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario at dating Senior Associate Justice Antonio Carpio ang sisihin ng mga tao matapos maagaw ng China ang ilan sa mga teritoryo ng Pilipinas.

BNFM Makati

Recent Posts

Marian Rivera, nag-ala Marimar sa ‘Asoka’ TikTok trend

Pinaalala ng aktres na si Marian Rivera na siya pa rin ang top Pinoy content…

40 mins ago

EJ Obiena, layuning makapag-uwi ng medalya sa Olympics para sa Pilipinas

Isa lang ang nasa isip ng Filipino Olympian at pole vaulter na si EJ Obiena…

52 mins ago

Iba, Zambales – umabot sa 53 degrees celsius ang heat index

Pumalo sa 53 degrees celsius ang heat index sa Iba, Zambales, kahapon. Ito ay nasa…

1 hour ago

NCRPO, nanawagan sa PISTON at MANIBELA na gawing mapayapa ang tigil-pasada

Magde-deploy ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng halos 8K nilang mga tauhan mamayang…

1 hour ago

Motortaxi rider – arestado matapos magbenta ng shabu sa kanyang mga pasahero

Arestado ang isang motorcycle taxi rider matapos magbenta ng hinihinalang shabu sa kanyang mga pasahero…

1 hour ago

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago