Iloilo City, nananatili nasa high risk para sa COVID-19 – OCTA

Nananatiling nasa high risk para sa COVID-19 ang Iloilo City, sa kabila ng pagbaba sa growth rate ng mga bagong kaso.

Sa gitna nito, sinabi naman ng OCTA Research group na ang Bacolod, Cebu City, Lapu Lapu, Mandaue, Ormoc at Tacloban ay nasa moderate risk para sa virus.

Mula noong Sabado, sinabi ng research group na ang healthcare utilization rate (HCUR) ng Iloilo ay nasa 64%, habang 37% ang Bacolod City at may 36% naman ang Cebu City.

Kaugnay nito, ang HCUR sa Lapu Lapu City ay nasa 38%, Mandaue sa 42%, Ormoc sa 35%, at Tacloban sa 53%.

Samantala, ang average daily attack rate o 7-day average number ng mga bagong kaso sa bawat 100,000 katao ng Iloilo ay nasa 22.11, at ang virus reproduction number nito ay nasa 0.53, haban ang positivity rate ay nasa 25%. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *