Imahe ni Ina at Divino Rostro ibabalik sa katedral mamayang hapon

CAMARINES NORTE – Nakatakdang ibalik sa Holy Trinity Cathedral, mamayang hapon ang imahe ng mahal na birhen ng Peñafrancia  at  Divino Rostro mula sa Camp Wenceslao Q. Vinzons Sr., Camarines Norte Police Provincial Office.

Batay sa anunisyo ni Fr. Ronald Anthony Timoner, Chancellor ng Diocese of Daet, magkakaroon ng misa alas 5 mamayang hapon bilang pag- “welcome” muli sa imahe ni Ina at Divino Rostro. Mababatid na mismong si Camarines Norte PPO Provincial Director PCol. Joselito Villarosa, na isa umanong deboto ni Ina ang humiling na dalhin ang mga imahe sa kampo para makapag- venerate ang mga kapulisan kahit wala ito sa original schedule.

Sa Sabado, May 4, ay ililipat ang imahe ni Ina sa Parish of St. Didachus of Alcala mula sa katedral at mananatili ito doon hanggang May 6 at sa hapon naman ay ililipat ang mga imahe sa  Paroquia de Nuestra Senora de Candelaria sa Paracale. Sa May 8, alas 9 ng umaga ay dadalhin ang mga imahe sa St. John the Apostle Parish sa Labo at sa hapon ay ililipat naman ito sa Our Lady of Peñafrancia Parish sa Barangay Gubat dito sa Daet.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *