Hihilingin ni International Criminal Court Prosecutor Karim Khan mula sa gobyerno ng Pilipinas ang “substantiating information” kaugnay sa proceedings na binanggit ng bansa nang humingi ito ng deferral sa imbestigasyon kaugnay sa hinihinalang crimes against humanity na konektado sa war on drugs.
Sa huling pahayag ni Khan ay sinabi niya na alinsunod sa rule 53 ng ICC Rules of Procedure and Evidence ay kailangan ng State, na humihiling ng deferral sa probe, na magbigay ng impormasyon kaugnay sa mga sariling imbestigasyon nito upang masuportahan ang naturang request.
Ipinaliwanag niya na kailangan ng ICC ng tangible evidence na may probative value at sapat na degree of specificity.
Ito anya ay upang maipakita ang concrete at progressive investigative steps na kasalukuyang ginagawa ng gobyerno.
Matatandaan na sinabi ni Khan sa isang dokumento na may petsang November 18 na pansamantalang masususpinde ang imbestigasyon sa Pilipinas habang ina-assess ang scope at epekto ng deferral request ng gobyerno.
Daghang bag sa dugo ang makolekta kun ang tanan magpakabana, molambigit, ug magpakuha sa kaugalingong…
Patay ng napalgan ang usa ka exconvict nga nag buy-od sa yuta alas 11:50 kagabii…
Napalgang wala nay kinabuhi nga nagbuy-od sa ebike ang usa ka ex-convict kinsa gipusil-patay pasado…
Nakahandang sumunod ang Department of Education (DepEd) sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos hinggil sa…
Kaisa raw ang Department of Agriculture (DA) sa mga isinusulong na pag-amiyenda sa Rice Tarrification…
Umaasa ang Commission on Elections (COMELEC) na malalampasan nito ang projection na 3 milyong bagong…