National

Lakas-CMD, inadopt si Marcos Jr. bilang presidential bet ng partido

Inadopt ng Lakas-CMD, na partido na binuo ni dating pangulong Fidel V. Ramos, ang anak ni dating pangulong Ferdinand Marcos bilang standard bearer ng partido para sa 2022 elections.

Ayon kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, nagpapasalamat si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. para sa pag-adopt sa kaniya ng partido.

Tiniyak aniya ni Marcos na handa itong makipagtrabaho kasama ang Lakas-CMD.

Mababatid na si Ramos, na founder ng Lakas-CMD, ang isa sa mga nanguna sa 1986 People Power Revolution na dahilan upang mapatalsik sa pwesto noon ang ama ni Marcos Jr.

Matapos ang mahigit 30 taon, ay pinamumunuan ngayon ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang Lakas-CMD habang ang running mate naman ni Marcos na si Duterte-Carpio ang nagsisilbi bilang chair nito.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago