Impormasyon sa drug war probe ng Pilipinas, hihilingin ng ICC para sa deferral

Hihilingin ni International Criminal Court Prosecutor Karim Khan mula sa gobyerno ng Pilipinas ang “substantiating information” kaugnay  sa proceedings na binanggit ng bansa nang humingi ito ng deferral sa imbestigasyon kaugnay sa hinihinalang crimes against humanity na konektado sa war on drugs.

Sa huling pahayag ni Khan ay sinabi niya na alinsunod sa rule 53 ng ICC Rules of Procedure and Evidence ay kailangan ng State, na humihiling ng deferral sa probe, na magbigay ng impormasyon kaugnay sa mga sariling imbestigasyon nito upang masuportahan ang naturang request.

Ipinaliwanag niya na kailangan ng ICC ng tangible evidence na may probative value at sapat na degree of specificity.

Ito anya ay upang maipakita ang concrete at progressive investigative steps na kasalukuyang ginagawa ng gobyerno.

Matatandaan na sinabi ni Khan sa isang dokumento na may petsang November 18 na pansamantalang masususpinde ang imbestigasyon sa Pilipinas habang ina-assess ang scope at epekto ng deferral request ng gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *