Importation ng 21,000MT ng sibuyas, aprub kay BBM

Inaprubahan na ni Pangulong Bongbong Marcos ang importation ng 21,060 metric tons ng pula at puting sibuyas.

Mas mababa ito ng bahagya sa unang inirekumendang 22,000MT na aangkatin ng bansa.

Kinumpirma ni Department of Agrciculture (DA) deputy spokesperson Asec. Rex Estoperez ang importation nito sa gitna ng patuloy na pagsirit ng presyo ng sibuyas sa merkado.

17,100 MT dito ay mga fresh red onions; habang ang nalalabing 3,960MT naman ay para sa fresy yellow onions.

Ayon kay Estoperez, isasagawa ang importation nang hindi lalagpas sa January 27 at inaasahang darating ng bansa sa huling linggo ng buwan, o unang linggo ng Pebrero.

READ MORE: Office of the Ombudsman, iimbestigahan na ang mga opisyal ng DA dahil sa mataas na presyo ng sibuyas sa merkado

Bago ito, una nang sinabi ng opisyal na posibleng mapababa ng hanggang P150 ang kada kilo ng sibuyas dahil sa naurang importation.

Sa hiwalay na panayam, sinabi ng DA official na hindi nila isinasantabi ang anggulong mayroong ‘onion cartel’ na nagmamanipula sa presyo ng sibuyas sa merkado.

Matatandaaan kasing sinabi kahapon ni Senate Committee on Agriculture chairperson Senadora Cynthia Villar na maaaring ang naturang cartel ang nagtatakda ng ‘artificial demand’ ng onions dahilan par asumirit pa lalo ang presyo nito.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *