Integrated business permit licensing system inilunsad na sa Bayan ng San Antonio Zambales 

Inilunsad  na sa bayan ng San Antonio Zambales ang kaunaunahang  Integrated Business Permit Licensing System o ibpls.

Ito ay isang web based platform ng pagbabayad ng permit at lisensya ng negosyo na makakatulong ng malaki sa mga negosyante sa bayan at mga barangay ‘one stop shop “dahil kasama na dito ang barangay clearances.

Malaki din umano ang maitutulong ng ibpls para maiwasan ang korupsiyon o ‘red tape’ dahil hindi madadaya ang web based application nito.

Naisakatuparan ang Ceremonial launching nito nakaraang linggo sa Municipal hall building ng San Sntonio na pinangunahan ng Department Of Trade And Industry Region 3, Dilg San Antonio at ang gumawa ng web based program nito na Dict zambales.//

BNFM OLONGAPO – Russel Banawa

courtesy  by:Agila ng San Antonio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *