International travel protocols, dapat higpitan laban sa Delta variant ng COVID-19 – OCTA

Inihayag ng OCTA Research Group na mas dapat pang higpitan ang international travel protocols upang maiwasan ang pagkalat ng Delta variant ng covid-19 sa bansa.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, kailangan na mapaigting ang border controls ng bansa upang mapigilan na maging dominante rin ang nasabing variant dito sa Pilipinas.

Aniya, ang mahalaga ay hindi makapasok sa bansa ang Delta variant dahil posibleng maging malaking threat ito.

Kung magkakaroon aniya ng community transmission dito ng naturang variant, mataas aniya ang posibilidad na magkasurge muli ang covid-19 cases na mas malala pa sa surge noong nakaraang Marso.

Ipinunto ni David na malaking tulong sa pagbaba ng kaso ng covid-19 ay ang pagpapatupad ng istriktong restriksyon gaya na lamang ng ipinatupad sa Metro Manila at sa mga kalapit nitong probinsya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *