Iphone na ninakaw sa Puerto Princesa, ibinalik na; suspek nagalit pa

Naibalik na ang Iphone unit na basta na lang kinuha ng customer sa isang cellphone shop sa Rizal Avenue, Puerto Princesa City.

Ngayong araw, kinumpirma ng bantay ng tindahan na si Libert Lumba sa Brigada na ang tumangay nito kahapon, February 9, 2024 ay si Elaine Sevando Vicitacion ng Barangay Bancao- bancao, Puerto Princesa.

Kwento ni Libert na bantay sa Lorenz Gadget Store, nag-apply si Elaine ng installment para sa Apple iPhone XS pero na-reject ang application nito.

Sa kuha ng CCTV ng tindahan, bandang ala-una ng hapon lumabas ang customer na si Vicitacion habang dala-dala nito ang unit na nais hulugan.

Kaugnay nito, sa tulong ng imbestigador ng Police Station 1 ay naibalik ang unit sa tindahan nang dalhin ito mismo ng customer pero sa halip raw na humingi ito ng tawad ay nagalit pa matapos siyang mai-post sa social media at sa Brigada.

Samantala, gustong tuluyan ng kaso ng tindahan ang customer para umano ito ay magtanda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *