Ipilan Nickel Corporation, tuloy ang operasyon; iginiit ang pakinabang sa mga katutubo

Pinagsusumikapan umano ng Ipilan Nickel Corporation (INC) na gumawa ng mga legal na hakbang laban sa ibinabang Cease and Desist Order (CDO) na iginawad ng National Commission on Indigenous People (NCIP).

Sa pahayag ng kompanya na ipinadala sa Brigada ngayong araw, nakasaad rito na ang iginawad na CDO ay bumase sa maling impormasyon at kakulangan ng konteksto sa halip raw na diwa at integridad.

Ang pagpapahinto umano ng operasyon ng minahan ay mas nakasama sa mga katutubo na dalawang beses pa daw nagbigay ng free and prior informed consent sa Ipilan Nickel.

Iginiit ng mining company na walang kinikilingan at komprehensibo ang kanilang proseso at hindi sila dapat na pahintuin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *