Iran, itinanggi ang akusasyon ng US na plinanong patayin si ex-official Bolton

Tinawag ng Iran bilang ‘fiction’ kasabay ng pagbabasura sa alegasyon ng US na plinano umano nilang patayin si dating White House national security adviser John Bolton, bilang retaliation sa assassination sa isa sa kanilang top commanders.

Ang pahayag ng US ay kasunod ng pag-uusap para muling buhayin ang nuclear deal sa pagitan ng Iran at ng major powers na inabandona ng Washington noong 2018 pero sinabing nais muling sumali, na ikinokonsidera naman ngayon ng Iran ang sinabi ng European Union mediators na “final” text.

Ayon kay Iran’s foreign ministry spokesman Nasser Kanani, gumawa ng pahayag ang US Justice Department nang hindi nagbibigay ng valid evidence.

Sinabi ng US Justice Department na may hinatulan silang miyembro ng Iran’s Revolutionary Guards kaugnay sa alegasyon na inalok umano siyang bayaran ang isang indibidwal sa United States ng $300,000 para patayin si Bolton.

Dagdag ng departamento na ang plano at tila itinakda bilang ganti sa pagkakatapatay ng US killing kay top Guards commander Qasem Soleimani sa Iraq noong January 2020.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *