Isa na namang senior citizen nagpositibo sa COVID- 19 sa bayan ng Mercedes

CAMARINES NORTE- Nakapagtala na namang muli ng panibagong kaso ng COVID- 19 ang bayan ng Mercedes, Camarines Norte.

Ang pasyente ay may local code na Bicol No 65658, isang 61 anyos na babae mula sa Barangay Del Rosario.

Batay sa opisyal na pahayag ng Lokal na Pamahalaan, ang pasyente ay mayroong asthma at nakaranas ng ubo noong November 21.

Lumabas ang resulta ng kaniyang RT- PCR test na positibo ito sa sakit noong November 30.

Naka- isolate ngayon ang pasyente sa isang pribadong ospital sa lalawigan.

Dahil dito mayroon ngayong dalawang aktibong kaso ng COVID- 19 sa Mercedes.

Umakyat na rin sa 204 ang bilang ng tinamaan ng COVID- 19 sa naturang bayan simula noong 2020.

Mayroon namang isang bagong gumaling sa sakit kaya umabot na sa 180 ang recovery

Nasa 22 naman ang nasawi makaraang makapagtala ng isang fatality noong nakaraang linggo.

Kaugnay nito ay patuloy  ang paalala ng LGU sa mga constituent nito na gawin pa rin ang mga kinakailangang pag- iingat dahil hindi pa tapos ang COVID-19.

Paalala ng LGU na magpabakuna para maiwasan ang malalang pagkakasakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *