Isa sa richest person ng Ukraine patay sa ‘massive shelling’ ng Russia sa Mykolaiv

Patay ang isa sa pinakamayamang negosyante sa Ukraine kasama ng kanyang asawa sa nangyaring “massive shelling” ng Russia sa southern city ng Mykolaiv.

Ayon sa report, tinamaan ang bahay ng biktimang si Oleksiy Vadatursky, 74 anyos at asawa niyang si Raisa na dahilan ng kanilang pagkamatay.

Si Vadatursky ay may-ari ng Nibulon na isang kompanya na may kaugnayan sa “grain export”.

Itinuturing naman ni Mykolaiv mayor Oleksandr Senkevych ang insidente na siyang pinakamatinding ginawa ng Russian troop sa kanilang lungsod.

Nasira din sa nasabing pag-atake ang isang hotel, sports complex, dalawang eskuwelahan, service station at ilang kabahayan.

Samantala, kumbinsido ang isang adviser ni President Volodymyr Zelensky na sinadya ng Russia na sinadyang targetin ang bahay ng negosyante lalo na at eksakto sa kuwarto nito ang missile attack.

Matatandaan na parehong major exporters ng “wheat at iba pang grains” ang Ukraine at Russia. (LNM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *