Isang ama, nag silbing escort sa kanyang anak kahit na hirap nang maglakad

Hindi malilimutan ng isang pamilya sa Alabama ang isang espesyal na sandali na naganap sa isang homecoming event.

Ito’y matapos ilakad ng isang amang may cancer ang kanyang anak na babae sa footballl field  ng Southside High School, matapos makoronahanng ‘homecoming queen.’

Ipinaliwanag ng kanyang asawa na pitong taon nang humaharap sa cancer si Brett Yancey at kamakailan lamang ay nawawalan na ng sapat na lakas na maglakad mula sa kama patungo sa banyo.

Ngunit kapit-bisig itong nakasama sa football field, kung saan siya rin ang nagsuot ng korona sa kanyang anak at nagbigay ng bulaklak dito.

Dagdag ng kanyang asawa na sana’y nagiwan ng marka si Brett sa mga nakanuod ng pangyayari at magbigay ng pag-asa, tapang, lakas at pananampalataya sa anumang bagay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *