Isang gusali sa Puerto Princesa, nasunog

Agad na rumesponde ang Puerto Princesa City Fire Station sa isang sunog na sumiklab sa isang gusali sa Ai World sa Sitio San Carlos, Barangay Bacungan Puerto Princesa City.

Ang insidente ay naiulat ganap na 3:30 kaninang madaling araw kaya agad  na nagpadala ng Rosenbauer Firetruck, Isuzu Fire Trooper Firetruck at Hilux Rescue Vehicle sa lugar.

Dahil sa mabilis na responde ng Bureau of Fire ay agad na naapula ang sunog.

Nagdeklara ng fireout ang BFP ganap na 4:50 kanina at ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ang insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *