Nakuha ng isang Micro Small and Medium Enterprise sa Zambales ang panalo sa 2021 National Productivity Olympics.
Itinanghal bilang national winner ang GrainPro Phils Inc sa lalawigan sa Agribusiness-Medium.
Ayon kay Department of Labor and Employment Region 3 Director Geraldine Panlilio na chairperson rin ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board, matapos ang mahabang panahon na pagsisikap ng Central Luzon na makuha ang national award ay natupad rin ito.
Nagpapatunay lamang aniya na kayang-kayang bumangon ng mga negosyo sa rehiyon sa kabila ng nararanasang pandemya ngayon.
Samantala, umabot sa isandaan at limampung mga MSME’s sa bansa ang sumali sa nasabing kompetisyon.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO