Isang social media influencer, inaresto sa Pasay dahil sa umano’y investment scam

Inaresto ng mga awtoridad ang isang social media influencer na sinasabing konektado sa isang kumpanyang nagpapatakbo ng “investment scams.”

Piangalanang ito si si Eduardo Mallare Jr., na inaresto sa kanyang condominium unit sa Pasay City sa pamamagitan ng warrant of arrest para sa syndicated estafa noong Martes.

Ayon naman kay Deputy Force Commander Police Major Edgar Escreza ng Mobile Force Battalion of the Eastern Police District, nakipag coordinate sila sa security manager and officers upang matunton ang suspek.

Kilala si Mallare bilang si Queen Dodj, na isang social media influencer na may mahigit 400,000 followers sa kanyang account.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *