Isdang may ngipin ng katulad sa mga tao, nabingwit sa Northern Carolina

North Carolina, USA—  Marami ang namangha at halos hindi makapaniwala matapos na makita at mag viral sa social media ang facebook post ng mangingisdang si Nathan Martin mula sa Northern Carolina.

Ibinahagi niya kase sa social media ang larawan ng kanyang nahuling isda na hindi pangkaraniwan dahil sa kakaibang katangian nito.

Tunay nga naman talagang kamangha-mangha ang makakita ng isdang may ngipin na animo’y katulad ng ngipin ng mga tao.

Ayon kay Martin, nahuli niya ang isang isda na kung tawagin ay “sheepshead fish” sa isang outer banks ng nasabing bansa.

Ayon sa mga pag-aaral ang “sheepshead fish” ay kilala rin sa tawag na “convict fish” dahil sakanyang black and white stripe sa katawan. Ang naturang isda ay isa ring “omnivores” tulad nating mga tao dahil kumakain ito ng halaman at kapuwa niya isda.

Madalas na matagpuan ang mga sheepshead fish sa mabatong bahagi ng dagat at malapit sa mga bahura.### JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *