Israeli PM, nakipagkita sa crown prince ng Abu Dhabi sa UAE

Nakipagpulong si Israel Prime Minister Naftali Bennett kay Abu Dhabi Crown Prince Sheikh Mohammed bin Zayed al-Nahyan noong Lunes.

Ito na ang kauna-unahang beses na nagsagawa ng public meeting ang Israeli leader at de facto ruler ng United Arab Emirates.

Sinabi ng Israel ambassador to Abu Dhabi Amir Hayek na kabilang sa naging agenda ng kanilang pag-uusap ay ang Iran, kasunod ng pagsasapormal ng Israel-UAE relations noong nakaraang taon sa tulong ng US-led regional initiative.

Bagamat kabilang sa mga rason ng pakikipagdiplomasya ng UAE ay ang mga aktibidad ng Iran, ay patuloy nito na sinusubukan na mapagbuti ang kanilang relasyon sa Iran.

Mababatid na itinuturing ng Israel na kalaban ang Iran, ngunit walang binaggit si Bennett tungkol rito mula nang umalis siya noong Linggo para bumisita sa UAE na may layunin na isulong ang bilateral commerce at iba pang uri ng civilian cooperation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *