Itlog, natagpuan sa isang itlog?

Kalimitan nakakakita tayo ng itlog na mayroong dalawang yolk, ngunit nakasaksi ka na ba o nakaranas na mula sa pagbiyak mo ng isang itlog ay mayroong panibagong itlog?

Ganito mismo ang nangyari kay Rain na tubong Bataraza, Palawan na siya namang ipinost niya online.

Ayon sa kaniya, pagbiyak niya ng itlog ay panibagong maliit na itlog ang bumungad na mayroon din mismong shell.

Ayon naman sa eksperto ito ay isa umanong abnormal ovulation na kung saan ang itlog at isa pang itlog ay nagkaroon ng counter-peristalsis contraction.

Sa ngayon, ang hindi pangkaraniwang pangayayari at uri ng itlog na ito ay kinagiliwan ng maraming netizens online.###WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *