Ivana Alawi, nali-link kay Bacolod City Mayor Benitez

Kumakalat ngayon ang balitang nauugnay ang sexy actress na si Ivana Alawi kay Bacolod City Mayor Albee Benitez.

Ito’y matapos kumpirmahin ni Ogie Diaz sa kanyang vlog, dahil naispatan raw ng mga ibang taga Baguio ang dalawa sa kanilang lungsod.

Saad ni Ogie, kailangan daw linawin agad ni Ivana ang tsismis sa kanila ng kontrobersyal na politiko para hindi na lumala pa.

Lalo na’t hindi pa naman hiwalay si Mayor Benitez sa misis niyang si Nikki Benitez.

Hanggang ngayon ay magkasama pa rin daw ang mag-asawa sa isang bahay at wala pang kasiguruhan kung magpa-file sila ng annulment.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *