Jam Magno, ipinagmalaki na maganda siya sa kanyang mugshot

Todo-ngiti sa kanyang mugshot ang social media personality na si Jam Magno matapos siyang kusang sumuko sa Butuan City Police.

Paliwanag ni Jam, kaya siya ngumiti dahil hindi naman daw siya gulity.

Ipinagmalaki pa nito na siya raw ang may pinakamangandang mugshot.

Hamon pa niya, i-post din daw ang kanyang Miranda rights video dahil mas maganda siya doon.

Nilinaw din ni Jam ang kumakalat sa internet na hindi siya inaresto at kusa siyang sumuko.

Bukod dito, hindi aniya ito nanghingi ng discount sa P72K na pang-piyansa.

Ibinahagi din nito na nasiyahan siya sa kanyang experience.

Una nang naglabas ng warrant of arrest ang Butuan City Police Station 4 dahil sa umano’y paglabag nito sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act.

PHOTO COURTESY: JAM MAGNO (FACEBOOK)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *