James Reid at Issa Pressman, fina-follow back na ang isa’t isa sa Insta

Naging usap-usapan sa social media ang couple na sina James Reid at Issa Pressman matapos napansin ng mga netizens na hindi nila pina-follow ang isa’t isa sa Instagram.

Dahil dito, may mga lumabas na haka-haka na baka naghiwalay na sina James at Issa.

Kahit wala silang connection sa Instagram ay hindi naman sila nagbura ng mga larawan nila as a couple.

Makaraan ang ilang araw, nag-follow-han na ulit ang dalawa kaya’t iniisip ng mga fans na baka nagkaroon sila ng misunderstanding o tampuhan.

Kung maaalala Marso nitong taon, isinapubliko nina James at Issa ang kanilang relasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *