James Yap, nagpaalam na sa Rain or Shine

Opisyal nang nagpaalam sa Rain or Shine Elasto Painters ang two-time PBA MVP na si James Yap.

Ito’y matapos mag-expire ang kanyang kontrata sa kanilang huling laro sa 2023-24 PBA Commissioner’s Cup.

Taos pusong nagpasalamat si Yap sa lahat ng sumuporta sa kanyang 7 year-journey sa PBA.

Hindi naman nito binunyag kung saan siya susunod na maglalaro, o kung magreretiro na siya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *