Jane de Leon at Joshua Garcia, lilipad sa Gitnang Silangan para Independence Day celebrations

Lilipad ang bagong love team na sina Jane de Leon at Joshua Garcia sa Bahrain at Dubai upang makisaya sa pagdiriwang ng Independence Day doon.

Gaganapin sa June 10 ang Philippine Fiesta sa Cultural Hall sa Bahrain habang sa June 12 naman magaganap ang Kalayaan 2022 sa Zabeel Hall sa Dubai.

Pinamunuan ng Filipino Club Bahrain, Emirates Loves Philippines at Philippine Business Council Dubai ang pagdiriwang doon.

Samantala, ready na umano ang si De Leon at Garcia na makasama at mabigyan ng saya ang ating mga kababayan sa naturang mga lugar. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *