Editors Pick

Japanese embassy, kinilala ang mabilis na aksyon ng DOJ sa deportation ng apat na pugante

Pinuri ng Japanese Embassy ang pamahalaan ng bansa dahil sa ‘constructive’ na pagtugon at kooperasyon ng mga ito sa naging deportation ng mga Japanese nationals na sangkot sa nakawan sa Japan.

Mababatid na nai-deport na ng bansa kahapon ang dalawa mula sa apat na mga Japanese fugitives na sina Toshiya Fujita and Kiyoto Imamura.

Bukod dito, inaasahan namang susunod na rin deportation ng dalawa pang hapon na sina Yuki Watanabe – na pinaghihinalaang mastermind, at si Kojima Tomonobu mamayang gabi.

Ito ay makaraang i-dismiss na ng Pasay Regional Trial Court Branch 109 ang mga pending cases nina Yuki Watanabe at Tomonobu Saito.

Kabilang pa sa mga pending case nito ay ang VAWC charges na inihain ng kaniyang dating Pilipinang asawa.

Kung maaalala, si Watanabe ay ang pinaniniwalaaang gumagamit ng alyas ‘Luffy’ at sinasabing lider ng kanilang robbery group.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago