Jimmy Santos, kumikita ng pera sa pagre-recycle ng bote at lata sa Canada

Ibinunyag ng komedyanteng si Jimmy Santos sa kanyang kamakailang YouTube vlog na kumikita siya sa pamamagitan ng pagre-recycle ng mga bote at lata sa Calgary, Canada.

Ibinahagi ni Santos na kumita siya ng 15 Canadian dollars at ilang barya matapos ibenta ang mga recycled bottles na kanyang naipon.

Sabi niya, masaya siyang nakakatulong sa pagre-recycle ng mga ibinentang bote.

Pinuri naman ng mga netizens si Santos sa pagiging “humble” at pagkakaroon ng “simpleng buhay” sa ibang bansa.

Huling napanood si Jimmy sa telebisyon noong December 2021.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *