Jimuel Pacquiao, nakatakda para sa Hollywood Fight Nights bout sa May 12

Nakatakdang bumalik sa ring si Jimuel Pacquiao sa United States sa May 12, pero sa pagkakataong ito sa mas malaking audience sa Quiet Cannon Montebello Country Club sa California.

Ito ay para sa three-round featherweight fight ni Jimuel laban sa hindi pa pinangalanang opponent.

Ang second amateur bout ng nakababatang Pacquiao ay bahagi ng kanyang Hollywood Fight Nights series sa ilalim ng Tom Loeffler’s 360 Promotions.

Kaugnay nito, ang naturang event ay ipapalabas nang live sa buong mundo sa UFC Fight Pass.

Matatandaan na ang unang amateur fight nito sa US ay noong Marso, kung saan natalo niya si Mexican-American Andres Rosales sa House of Boxing Gym sa San Diego, California. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *