JLC, nag-viral ang acceptance speech sa 2023 Gawad Urian Awards

Umingay sa social media ang acceptance speech ni John Lloyd Cruz sa pagtanggap nito ng Best Actor sa 2023 Gawad Urian Awards.

Ito’y matapos nabanggit ng aktor ang napapanahong patayan sa bansa.

Sa speech ng aktor nagpasalamat siya sa mangagawa sa Pelikulang Pilipino na walang pagod na lumalaban para ibahagi ang mga kuwentong dapat ipalabas sa panahon ngayon.

Tanong ni Lloydie on stage kung tapos na ba ang kanyang dalawang minuto at sinabing mabilis ang oras.

Dito na siya nag-viral nang banggitin nito na ‘ang bilis ho, pero mas mabilis pa rin hong pumatay sa bansang ito.’

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *