Joint Task Force Bicolandia, nakikiramay sa Sulu Military Plane crash; mga nais mag sundalo pinalakas ang loob

NAGA CITY- Nakikiramay ang Joint Task Force Bicolandia sa Sulu Military Plane crash na ikinasawi ng mahigit 40 na mga sundalo noong Linggo.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay 9ID Public Affairs Division (DPAO) Chief Cpt. John Paul Belleza, sinabi nitong nalulungkot ang kanilang tropa sa nangyari. Sa ngayon hindi pa nila batid kung may nadamay doong Bicolano, naghihintay aniya sila ng pormal na ulat ng mga nasawi.

Sinabi pa ni Belleza na ginagawa ng Armed Forces of the Philippines ang lahat upang mabuti rin sana ang lagay ng mga sundalo.

Kaya pinalakas pa nito ang loob ng mga nais maging sundalo para makapagsilbi sa bansa sa anumang sitwasyon at anumang pagkakataon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *