Joshua, Kathniel, at rumored gf Ria Atayde, nagkasama sa isang beach trip

Ibinunyag ng aktor na si Joshua Garcia na dahil sa Kathniel loveteam nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, at iba pa nilang mga kaibigan ay naligtas siya mula sa kalungkutan.

Sa Instagram account ni Joshua ay ibinahagi nito ang mga larawan nila sa isang beach trip.

Mababasa sa caption ng kaniyang post, “These beautiful people saved me from drowning in loneliness”.

Kasabay nito ay inabisuhan niya ang kaniyang followers na palibutan ang kanilang sarili ng mga kaibigan na may positibong energies.

Ipinunto rin niya sa kaniyang posts, “there are days in our lives that we need to swim on our own”.

Dagdag niya, “I am missing the sun and the gang”.

Bukod sa Kathniel ay kabilang sa mga bagong kaibigan ni Joshua ay ang rumored girlfriend nito na si Ria Atayde, ang mag-sweetheart na sina Sofia Andres at Daniel Miranda, at pati na rin sina Patrick Sugui at Aeriel Garcia.

Nagkomento naman si Ria, sinabi niya, “Same. I feel you. Def looking forward to more memories and moments with all of you!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *