Julia Barreto – 2024 Calendar girl

Kasunod ng mga yapak ng kanyang tiyahin na si Gretchen, si Julia Barreto ay ipinakilalala bilang 2024 calendar girl ng isang kumpanya ng alak.

Ayon kay Julia, nasasabik dahil sa karangalan na mapili bilang calendar girl.

Pero may halo ring kaba gayung sa pagtanggap niya ng project, ibig sabihin kailangan niyang mas maging matapang sa pagpapahayag ng kanyang sarili at lumabas sa comfort zone.

Umaasa naman ang aktres na naging proud ang kanyang team lalo na ang naturang brand sa pagganap niya bilang bagong calendar girl.

Ito ang pangalawang sexy role ni Julia kasunod ng movie nila Carlo Aquino na ‘Expensive Candy.’

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *