Julia kay Joshua, ‘wag munang mag-girlfriend’

Pinayuhan ng aktres na si Julia Barreto ang kanyang ex-boyfriend at ex-loveteam na si Joshua Garcia na huwag munang mag-girlfriend.

Paliwanag ni Julia, feeling niya ay posibleng maging sagabal ang lovelife sa umaangat na showbiz career ni Joshua.

Hangad daw kasi ni Julia na ma-enjoy muna ni Joshua ang kung ano ang meron siya ngayon lalo na sa kanyang karera.

Sinabi pa ni Julia na magaling na aktor si Joshua kaya ayaw niyang maging limitado ang oras nito kapag magkaroon na muli ng lovelife.

Samantala, kinumpirma ni Julia na bukas ang komunikasyon nila ni Joshua pero never daw itong nagtanong tungkol sa kanyang lovelife o anumang personal na buhay-buhay Ipinagmalaki din ng dalaga na masaya siya ngayon sa piling ni Gerald Anderson na kaya siyang gabayan at rendahan sa mga bagay bagay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *