Kahalagahan ng waste diversion ipinaliwanag ng CENRO- Sorsogon

Nilinaw ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) Sorsogon na pinakamahalagang dapat na matutunan ng bawat indibidwal ang tinatawag na waste diversion o ang pagpapaba ng volume ng basura sa iba’t ibang paraan.

Sa panayam ng Brigada News Fm Sorsogon kay CENRO Sorsogon Supervising Environmental Management Specialist, Engr. Franz Luigi Lugena, sinabi nito na maraming paraan upang mapababa ang volume ng basura sa isang lugar tulad na lamang ng pagcocompost ng mga biodegradable at pagrirecycle ng mga recyclable, kung saan sa halip na sa mga dumpsite napupunta ang mga basura ay napapakinabangan pa ito sa ibang bagay.

Mahalagang salik din umano ito sa pagpapatagal ng buhay ng mga dumpsite at sanitary landfill dahil hindi agad -agad mapupuno ang mga ito.

Gayunpaman, binigyang diin ng opisyal na hindi magiging matagumpay ang waste reduction kung hindi matututunan ng bawat indbidwal ang segregation dahil ito ang pinaka-unang hakbang upang marecycle ang mga basura.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *