Kahit may “text notification” hindi awtomatikong makakatanggap ng ayuda- DSWD Palawan

Nilinaw ni Palawan SWAD Team Leader Eric P. Aborot na hindi awtomatikong makakatanggap ng Educational Assistance ang nakatanggap ng text confirmation o notification.

Ayon kay Aborot, may dadaanan pang assessment ang sinumang nakatanggap ng mensahe sa social workers ng DSWD at kapag na-validate ang impormasyon ay bago ito makakakuha ng financial aid.

Kaugnay nito, mahigpit na ipinapaalala ni Aborot na huwag munang pumunta sa pay out center kung walang natatanggap na confirmation.

Sa naturang confirmation, nakasaad ang petsa at lugar kung saan maaaring pumunta para sa assessment at posibleng pay out.

Samantala, magiging katuwang ng DSWD na mamahagi ng ayudad ang mga tauhan ng Municipal Social Welfare & Development Office.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *