Kalabaw mobile graduation, isinagawa sa Antique

Dahil sa COVID-19 pandemic hindi naisagawa ngayon ng mga nagsipag tapos ang nakaugaliang pag martsa at pag-akyat sa entablado ng kanilang paaralan upang tumanggap ng medalya at ng diploma.

Bunsod nito, kanya-kanyang paraan ang mga guro kung paano nila maipapadama sa mga estudyante ang diwa ng “graduation” nang hindi kinakailangang mailagay sa alanganin ang kanilang kalusugan dahil sa nagpapatuloy na pandemya.

Sa bayan ng Tobias Fornier, lalawigan ng Antique, viral sa social media ang tinawag na “Kalabaw Mobile Graduation” kung saan dinala sa mismong bahay ng mga estudyante ang karosa ng kalabaw na dinisenyuhan upang maging kahalintulad ng entablado para sa mga estudyante ng Lawigan Elementary School na nagtapos sa elementarya.

Dahil umano sa maputik na daan, minabuti ng paaralan na gamitin ang karosa ng kalabaw para mas madaling mapuntahan ang mga mag-aaral na nakatira sa bundok at liblib na bahagi ng bayan.

Masayang kinuha ng mga nagtapos ang kanilang diploma habang papaakyat sa stage na gawa sa karosa ng kalabaw. Ayon sa paaralan, maingat namang nasunod ang umiiral na minimum health standards habang pinahitulutan naman sila ng DepEd Region 6 na isagawa ang nasabing aktibidad.### JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *