Kaligtasan at seguridad ng mga debotong dadayo sa Hinulid Shrine sa Camarines Sur ngayong Semana Santa, plantsado na!

CAMARINES SUR – Plantsado na ang lahat ng kinakailangang gawin upang masiguro ang kaligtasan at seguridad ng mga debotong dadayo sa Hinulid Shrine sa Calabanga Camarines Sur, kung saan may mga pumupunta na para maiwasan ang siksikan at dami ng bisita.

Sa isang press briefieng sinabi ni Calabanga Municipal Disaster Risk Reduction Management Office head Daniel Abalayan, nakaactivate na ang kanilang Incident Management Team kung saan nakasaad ang dapat gawin ng bawat tauhan.

Aniya inadopt nila ang Unified Command sa IMT na ang lahat ng mga instructions sa Emergency Operation Center na kinabibilangan ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP) at MDRRMO sa pangunguna ng simbahan at ng alkalde sa bayan upang isahan ang pagbibigay at pagpapaabot ng impormasyon.

Idinagdag pa ng opisyal na kung may hindi inaasahang pagbabago, nakahanda ang kanilang team para sa pagbibigay ng kaligtasan sa publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *