Kalsada ng Bataan Technological Park, Inc-Subic Bay Freeport Zone, nadadaanan na

Nadadaanan na ng mga motorista ang Bataan Technological Park, Inc- Subic Bay Freeport Zone Road na matatagpuan sa Sitio Minanga, Barangay Mabayo, Morong, Bataan hanggang sa SBMA Backdoor.  

Ito ay para magsilbing kaginhawaan para sa mga motoristang araw-araw na bumibiyahe patungo sa Bataan.

Ang pampublikong kalsadang ito ay proyekto ng pamahalaang panlalawigan ng Bataan sa ilalim ng Conditional Matching Grant to Provinces ng Department of Interior and Local Government at Department of Budget and Management na naglalayong lalo pang pagbutihin ang kalidad ng mga kalsada sa bansa.

Samantala, inaasahan naman na sa pagbubukas ng kalsada ay mapapalakas ang turismo sa lugar.//Jeff Valdez-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: Abet Garcia

May be an image of text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *