Kampo ni De Lima, planong maghain ng petition for bail matapos makompleto ang testimonya ni Ragos

Plano ng kampo ni dating senator Leila de Lima na maghain ng petition for bail, matapos makompleto na ni dating Bureau of Corrections (BuCor) officer-in-charge Rafael Ragos ang kanyang testimonya.

Kahapon (Biyernes) nang mag-resume ang pagding sa isa sa mga natitirang kaso laban kay De Lima, kung daan dumalo ang dating senador at si Ragos.

Ayon sa legal counsel ng senadora, na natapos na ng prosekusyon ang kanilang mga tanong at humihingi nalang na magpresenta ng video ni Ragos bilang patunay sa kanyang supplemental affidavit.

Matatandaan na noong Nobyembre, sinabi ni dating Justice secretary Vitaliano Aguirre na mayroon siyang video na nagpapakita na si Ragos ay hindi pinilit sa pag-gawa ng affidavit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *