Kampo ni Teves – itinangging may ugnayan sa high profile inmate na si Jad Dera

Nanindigan ang kampo ni suspended Rep. Arnie Teves na wala siyang ugnayan ‘o kahit anong komunikasyon sa pinalabas na high-profile inmate na si Jad Dera.

Sa isang panayam, itinanggi ni Atty. Ferdinand Topacio na walang personal relationship si Dera kay Teves.

Sa kabila niyan, hindi na raw sila nagulat na idiriin na naman kay Teves ang bagong isyu na ito lalo na’t gusto raw talagang mapakulong ang suspendidong Kongresista.

Kung maaalala, una na ring sinabi ng abogado ni Dera na wala silang koneksyon kay Teves.

Itinanggi na rin ng kampo ni Dera na nagsilbi itong ‘bagman’ ng kongresista.

Si Dera ay isa sa mga kapwa-akusado sa drug charges ni dating senadora Leila de Lima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *