Karagdagang pwersa ipinadala ng militar sa lugar kung saan nagkasagupa ang tropa ng gobyerno at rebeldeng grupo sa bayan ng Labo

CAMARINES NORTE – Nagpadala ng karagdagang pwersa ang militar  sa lugar kung saan nagkasagupa ang tropa ng 9IB at mga rebeldeng New People’s Army noong Sabado ng umaga.

Ito ay upang magksagawa ng clearing operation at tugisin ang mga rebelde.

Mababatid na batay sa ulat ng 9th Infantry Division, Philippine Army, nagkasagupa ang pwersa ng gobyerno at tinatayang hindi bababa sa 15 miyembro ng ng rebeldeng grupo noong Sabado ng umaga sa Barangay Macogon, Labo, Camarines Norte.

Ito ay habang nagsasagawa ng operasyon ang mga sundalo para iberpika ang impormasyon hinggil sa presensiya di umano ng mga hindi kilalang armadong indibidwal.

Tumagal ng 15 minuto ang palitan ng putok. Walang casualty sa panig ng pamahalaan habang hindi mabatid kung mayroong nadisgrasya sa kabilang panig.

Narekober sa encounter site ang  iba’t- ibang klase ng baril, cellphone, radio, personal na gamit ng mga rebelde at mga subersibong dokumento.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *