Kasanggayahan Festival of Festivals competition ngayong araw na

Nakatakda na ngayong araw, ganap na 1:00 ng hapon ang pinaka-aabangang Regional Festival of Festivals Competition na isa sa mga highlight ng pagdiriwang ng Kasanggayahan Festival 2023.

Ang nasabing aktibidad na magsisimula sa Sorsogon Sports Complex patungong  Sorsogon Capitol Grounds ay lalahukan ng Parau Festival na siyang grand champion sa Historico Cultural Parade Street Dance and Float Competition ng lalawigan , Gayon Ciudad Festival ng Sorsogon City, Coron Festival ng Albay, Voyadores Festival ng Naga City, Kamuy-an Festival ng Baao Camarines Sur, Abaca Festival ng Catanduanes, Isla Rancho Festival ng Masbate, Bantayog Ft. Padayog Festival ng Camarines Norte, Tinagba Festival ng Iriga City, Burak Festival ng Virac, Catanduanes at Kaogma Festival ng Camarines Sur.

Tumataginting na P1M ang tatanggapin ng makasusungkit ng Grand Prize, P500K sa 2nd Prize at P300K sa 3rd prize.

Bukod pa rito, P50K din ang tatanggapin ng tatanghaling Kasanggayahan Festival Queen, P30K sa 1st Runner-up habang P20K naman sa 2nd Runner-up.

Tig P50K  din ang nakalaang gantimpla sa Best in Street Dancing (Moving Choreography),  Best in Costume, at Best in Musicality habang P10K naman para sa Best in Festival Attire for Festival Queen Category.

Ang nasabing aktibidad ay inisyatiba ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon sa pakikipagtulungan ng Department of Tourism Region V.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *