Kaso ng corona virus sa Subic bahagyang bumaba

Bumababa ang kaso ng corona virus disease ngayon sa bayan ng Subic sa Zambales.

Kung ikukumpara umano nitong mga nakalipas na buwan ay makikita ang gradual na pagbaba ng naitatalang positibong kaso ngayon sa bayan.

Ayon kay Municipal Health Officer Dr. Nadjimin Ngilay, kung ikukumpara sa buwan ng Agosto at Setyembre, mas mababa ang bilang ng mga tinatamaan ngayon sa bayan.

As of Oct.7 ay nasa 103 na lamang ang active cases ng bayan kumpara nitong mga nakalipas na buwan na umaabot ng mahigit 170.

Malaking factor umano dito ay ang vaccination program ng gobyerno para makaiwas sa virus ang mamamayan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of text that says 'Power Cells Salabat Herbal Mix Ginger Brew Ginseng Gingko Biloba Ginger Lemon Agaricus Mushroom า882 Powver Cells 6IN1 Salabat Herbal Herbal Mix Ginger Brew Power Cells 6IN Salabat Net Content: Sachets damsDecoo_d Ang Power Cells Salabat ay may pinagsamang Ginger, Lemon, Ginseng, Agaricus Mushroom at Gingko Biloba para sa mas mabisa, natural at epektibong pangaraw-araw na tsaa! ww.a www.powercells.ph'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *