Kawalan pa ng COVID-19 vaccines para sa mga bata at sa mga menor de edad isa sa problema ng mga barangay opisyal sa Naga City

NAGA CITY – Pinoproblema na ngayon ng mga barangay opisyal sa Naga City ang bagong mga variant na dala ng ng COVID-19 na delikado rin sa mga menor de edad.

Bagamat bawal na ngang lumabas ang mga bata ngayon, nakikita pa rin sila sa mga kalsada kahit pa gabi.

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Balatas Punong Barangay Pedro Allan San Juan, sinabi nito na isa ito sa pinoproblema nila ngayon, dahil sa wala pang bakuna ang mga ito para sana sa kanilang proteksyon. Anya’y tulad ng dati mas pinaigting pa nila ang pagpatupad ng curfew.

Aminado ang opisyal na mahirap ang ganitong sitwasyon lalo pa sa tulad ng kanyang barangay na malaki at nasa central business district.

Tuloy ang pakiusap nila sa mga magulang na bantayan ng maigi ang mga anak at huwag kunsintihing lumabas ng bahay para iwas sa anumang virus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *