Kick boxing, Muay Thai, Sambo, kinilala na ng International Olympic Committee

Binigyan na ng International Olympic Committee ng full recognition ang anim na sports kabilang na ang kickboxing, muay thai at sambo kung saan ay tradisyunal na strong performer ang Pilipinas.

Tiwala naman si Philippine Olympic Committee president Abraham Tolentino na madadagdagan ang tyansa ng mga Pilipino na manalo sa tatlong martial arts events dahil napatunayan na ito sa huling Southeast Asian Games.

Kung maalala ay nakasungkit ang Pilipinas ng walong gold medals mula sa kickboxing, muay thai at sambo noong 2019 SEA Games.

Kaugnay nito ay makatanggap rin ng pagkilala mula sa IOC ang sheerleading, lacrosse, at icestocksports.

Dahil diyan ay inaasahang maisasama na ang mga nabanggit na sports sa 2024 Paris Games calendar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *