Koronadal City PNP, handa na sa Semana Santa

KORONADAL CITY — HANDA na ang Koronadal City PNP sa ipapatupad na seguridad ukol sa obserbasyon ng Semanta Santa sa susunod na linggo.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay PLt. Col. Joedy Lito Guisinga, hepe ng Koronadal City PNP, sinabi nito na hinihintay na lamang nila ang dagdag pang mga direktiba mula sa kanilang higher command.

Nakipag-ugnayan na rin umano ang pulisya sa mga simbahan para sa mga guidelines para sa iba’t-ibang aktibidad ng Semana Santa.

Pinasiguro naman ni Guisinga na maliban sa mga police personnel, kasama nila sa pagpapatupad ng seguridad ang mga BPATs at mga volunteers.

Samantala, handa na rin umano ang Incident Management Team o IMT ng lungsod para sa mabilis na pag-responde sa mga hindi inaasahang insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *