Laborer, arestado sa kasong homicide; 2 pang indibidwal na may kinakaharap na kaso, hinainan na rin ng kani-kanilang warrant of arrest

Nasa kamay na ng mga awtoridad ang 42-anyos na laborer makaraang hainan ito ng kanyang warrant of arrest sa kasong homicide sa Brgy Lajong, Juban, Sorsogon.

Arestado si Ronald Majello Bismar alias Boboy, binata at residente ng nasabing barangay.

Walang itinakdang piyansa ang RTC 5th Judicial Region Br 52 sa nasabing kaso.

Sa bayan ng Matnog ay hinainan na rin ng kanyang mandamiento de aresto si Solomon Angatao Generalo, 35-anyos, may asawa at naninirahan sa Brgy Bon-ot, Matnog.

Nasasakdal ito sa kasong paglabag sa PD 705 o Forestry Reform Code of the Phils. na may ibinabang piyansa na P80K.

Sa lungsod ng Sorsogon ay naaresto rin sa Brgy Sirangan ang 40-anyos na tricycle driver na si Ryan Hababag Enaple sa kasong Swidling na may itinakdang piyansa na P6K.

Ang mga akusado ay ibinalik na sa kani-kanilang court of origin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *